Love

All About Love

  

Ano nga ba ang LOVE? 

Ang LOVE o PAG-IBIG ay isa sa mga nararamadaman natin kapag may "SPARK" ang isang tao para sayo.  Yung parang makita mo lang siya ng ilang segundo, mabubuo na ang araw mo. Yung siya lagi ang iyong pinapanagarap buong maghapon. Yung siya lagi laman ng isip mo.

Ang PAG-IBIG ay walang pinipili. Ito'y nakakabulag, mapagpasensya, mapag-tiis, at nakakagawa ng milagro sa buhay ng isang tao. Hindi sa lahat ng panahon ay laging masaya ang pagiging in-love. Minsan, ito ang dahilan bakit tayo ang nagiging depresssed at naiisipan magpakamatay. Dahil ito sa pagiging BROKEN HEARTED.


Ano nga ba ang mga dahilan bakit tayo nagiging BROKEN HEARTED? 

Ang pagiging BROKEN HEARTED ay isa sa mga karanasan na ayaw nating maranasan dahil marami itong maidudulot na hindi maganda sa ating buhay. Nagiging broken hearted tayo dahil :
  • Iniwan ka ng mahal mo sa buhay.
  • Naging taken na ang minahal natin ng sobra-sobra.
  • Nakita mong nakikilandi ang asawa o syota mo.
  • Nakita mong may kasamang iba ang syota mo sa isang lugar.
  • Hindi tayo tanggap ng mahal natin sa buhay.
  • Hanggang kaibigan lang turing niya sayo. (FRIENDZONED)
  • Nalaman mong hindi ka niya kayang mahalin. 


Paano magagamot o maiiwasan ang pagiging BROKEN HEARTED?

Para maiwasan ang pagiging broken hearted, kailangan nating maging matatag, kailangan natin maging handa sa mga sasabihin niya, at kailangan alam mo ang mga ginagawa niya para alam mo kung nangangaliwa, nakikipaglandi, may ibang syota o may nililigawang iba para hindi mo biglaang malaman at masaktan ka ng sobra-sobra.

Para magamot naman ang pagiging broken hearted, kailangan mong tanggapin na hindi ka niya kayang mahalin, na hanggang kaibigan lang turing niya sayo, na may iba na siyang kasama sa buhay, at kailangan marunong ka rin mag move-on.


Kung kaya ka niyang iwanan, kailangan kaya mo rin. Kung kaya ka niyang tiisin, kailangan kaya mo rin. Kung kaya ka niyang hindi mahalin, kailangan kaya mo rin. Lagi mo itong tandaan. Hindi ka naglalaro ng temple run na hahabulin mo siya kahit saan man siya mapunta. Alam mo naman ang salitang MOVE ON.


"JUST SMILE, FORGET THE PAST, AND MOVE ON"


May love problems ka ba? Comment na sa ibaba!





No comments:

Post a Comment