Chapter 1 : Ang Buhay ni Lance
Si Lance D. Simon o mas kilala bilang Lance ay isang estudyante sa UST. Siya ay isang 1st year student at tinetake ang course na Pharmacy. Ipinanganak siya noong September 15, 1995. Si Lance ay nangangarap na mahanap niya ang kanyang "true love" at gusto niya na forever ang pagmamahalan nila. Walang ilangan, walang selosan, walang iwanan, at walang pagkukulang. Kung baga gusto niya magkaroon ng "perfect love".
Si Lance ay anak nina Felipe at Maria Simon at meron siyang 3 kapatid, babae lahat. Si Lance ang panganay sa kanilang magkakapatid kaya dapat responsable siya.
Sina Mariel at Katharina ang mga bestfriend ni Lance. Sila ay laging magkakasama. Magkakaklase silang tatlo at hinding-hindi mo sila mapaghihiwalay sa school. Ang hindi alam ni Lance ay may gusto sakanya sina Mariel at Katharina at matagal na rin nila itong tinatago sakanya. Simula pa nung high school sila ay may gusto na si Mariel at Katharina kay Lance.
Noong isang araw, napag-isipan ni Mariel na ipagtatapat na niya kay Lance na may gusto siya sakanya at sinabi niya ito kay Katharina. Nung nalaman ni Katharina ay naisipan rin niya sabihin na may gusto siya kay Lance. Unahan silang dalawa papunta kay Lance sa classroom. Sabay silang nakapunta pero nahihiya si Mariel kaya naunahan siya ni Katharina na lumapit kay Lance. Nag-usap si Katharina at Lance.
"Lance, pwede ba kitang kausapin sa labas?"
"Ah, sige. Ano bang meron?"
"Ano kasi, ganito. Wala namang malisya pero may ipagtatapat ako sayo at sana hindi ka magalit"
"Ano yun?"
"Uhh, kasi..."
"Ano nga?!"
"May gusto ako sayo" - pabulong ang pagsabi ni Katharina
"Ano? Di ko maintindihan"
"Sabi ko may gusto ako sayo!" - pasigaw na sabi ni Katharina
Nagulat si Lance sa sinabi ni Katharina kaya napatakbo nalang si Lance sa classroom at lumapit kay Mariel.
"Mariel, alam mo ba na may gusto sa akin si Katharina?"
"Kanino mo naman nalaman yan?"
"Kay Katharina. Sino pa ba?"
"Ahh, oo. May gusto siya sayo. Inamin ba niya sayo kanina nung nag-usap kayo? Bakit ka biglang tumakbo dito na parang gulat na gulat?"
"Oo, inamin niya sakin. Gulat na gulat kasi ako na may gusto siya sakin. Kasi magkaibigan kami tapos may gusto pala siya sakin. Eh hindi ko naman siya gusto at wala nga akong crush eh. Kaya baka layuan ko nalang siya at baka masaktan ko pa siya."
"Ehhh, it's your choice. Bahala ka. Basta ako nandito lang ako para sainyong dalawa. Wala akong kinakampihan." Nung oras na yun, gusto na talaga sabihin ni Mariel na may gusto siya kay Lance pero natatakot siya kasi baka layuan rin siya ni Lance.
Lumabas si Mariel sa classroom at hinanap si Katharina. "Katharina! Katharina! Nasan ka?"
Hindi mahanap ni Mariel si Katharina sa buong school hangga't pumunta siya sa CR ng girls. Nakita niya doon si Katharina na may hawak na kutsilyo.
"Katharina, wag! Ibaba mo ang kutsilyo!"
"Ayoko! Magpapakamatay na ako. Alam mo ba gaano kasakit na tinakbuhan ka lang niya?"
"Hindi, pero hindi naman siya ang buong mundo mo. Marami pang nagmamahal sayo. Nandito ako, nandiyan pamilya mo. Ang dami-dami at magpapakamatay ka sa isang tao lamang? Aba Katharina."
"Wag mo ako pakielamanan!"
"Katharina wag!" sabay takbo si Mariel papunta kay Katharina at kinuha ang kutsilyo
"Bakit mo ako pinigilan?"
"Kasi hindi lang naman siya ang buong mundo mo. Wag mong sisirain ang buhay mo dahil sa isang tao lamang. Ang dami pang lalaki jan. Pwede naman kayo maging magkaibigan lamang"
"Ayaw ko ng kaibigan! Gusto ko maramdaman ang pagmamahal niya!"
"Mahal ka naman niya. Yun nga lang, hanggang kaibigan lang. Mas mahalaga yun dahil forever yun. Walang katapusan. Kaya wag na wag mong sisirain yan Katharina."
Sabay iyak sina Mariel at Katharina. Napakalma rin ni Mariel si Katharina at buti nalang napahinto ni Mariel si Katharina sa pagtatangka ng buhay niya.
IPAGPAPATULOY...
Chapter 2 : Ang Buhay ni Jade
Si Jade T. Flores o Jade ay isa ring estudyante sa UST. Siya ay isang 2nd year student at tinetake rin ang course na Pharmacy. Ipinanganak siya noong January 14, 1994. Ang pangarap niya ay ang makatapos ng pag-aaral at wala nang iba. Hindi niya pa naiisipan ang magkaroon ng lovelife dahil daw bata pa siya.
Si Jade ay ang kaisa-isang anak nina Marvin at Joanna Flores. Dahil siya lamang ang anak nila, alagang-alaga si Jade ng kanyang mga magulang. Bawal muna magkaroon ng boyfriend hangga't di pa siya tapos mag-aral at kailangan nasa bahay na siya ng 5:00 PM at hindi na siya makakalabas ng bahay. Di siya nakakasama sa mga kaklase niya sa paglalakwatsa dahil bawal. Sobrang strikto sakanya ng kanyang mga magulang.
Si John ang bestfriend niya. Lagi silang magkasama. Eh, para na nga silang mag-syota dahil di mo sila mapaghihiwalay. Parang magkambal lang, diba? Matagal nang may gusto si John kay Jade at alam naman nito ni Jade. Okay lang ito kay Jade basta hindi daw siya liligawan ni John.
Isang araw, naisipan ni John na ligawan na si Jade. Kaya tinawagan ni John si Jade na pupunta siya sa bahay nila. Walang kaalam-alam si Jade na liligawan na pala siya ni John. Makalipas ang 20 minutes, dumating na si John sa bahay ni Jade. Kumatok si John at sabay sabing "tao po?". Si Jade ang nagbukas ng pintuan at nakita niya na may hawak si John sa likod niya.
"Oh, John. Pasok ka."
"Salamat, Jade."
"Uhh John, ano yang hawak mo?"
"Jade, kasi naisipan ko nang lumabas tayo sa pagiging magkaibigan."
"Anong ibig sabihin mo John?"
"Liligawan na kita ngayon."
"John, napag-usapan na natin to diba?"
"Kasi Jade hindi ko na mapigilan eh. Gusto na talaga kita. Gusto ko na maramdaman ang pagmamahal mo."
"Hindi pa ako handa. Diba nga nangako ka sakin na hindi ka manliligaw. Eh ano to? Tigilan mo na nga yan."
"Ayoko Jade. Gusto kita. Gusto ko tayo at wala ng iba."
"Ayoko nga John! Wag mo akong kinukulit. Maiinis ako sayo. Sa ibang babae mo nalang ibigay yan. May mas deserving. Ang dami pang babae jan."
"Ikaw lang ang laman ng puso ko at wala ng iba. Ikaw lang talaga."
"Sorry talaga John. Hanggang kaibigan lang ang turing ko sayo. Sorry."
"Naiintindihan ko, Jade. Pero mangangako ka na magpapaligaw ka na sa akin kapag natapos na tayo mag-aral."
"Oo, pangako." *pinky swear*
Kinabukasan, sabay silang pumunta sa school. Hindi sila naguusap at hindi nagkikibuan. Nang dumating na sila sa school, naghiwalay na sila dahil magkaiba ang schedule ng class nila. Habang naglalakad si Jade papunta sa classroom niya, may nakabunggo siyang lalaki. Nahulog ang mga gamit niya sabay sabing "Ano ba! Naglalakad yung tao, oh. Hindi mo ba nakikita". Pinulot ni Jade ang mga gamit niya at tinulungan siya nung lalaki. Habang pinupulot nila ang gamit ni Jade, nahawakan ni Jade ang kamay nung lalaki. Hindi niya ito tinanggal ng mga 5 seconds at tinignan niya ang lalaki sabay sabing "Thank you". Nagmadaling pumunta si Jade sa classroom niya at habang naglalakad siya, iniisip niya kung sino yung lalaking yun. Buong araw na nasa isipan ni Jade ang lalaking yun at hinding-hindi niya matanggal ang lalaki sa isip niya. Hindi niya alam bakit pero tumibok ang puso niya nang titigan daw niya sa mata yung lalaki.
IPAGPAPATULOY...
Sino kaya yung lalaki? Comment niyo nga.
Chapter 3 : Ang Pagtatagpo nina Lance at Jade
Nung nakaraan na chapter ay may nakabunggo si Jade na lalaki at yun ay si Lance. Inisip niya kung sino ang lalaking yun at hindi niya matanggal si Lance sa isip niya. Lalo na nung naghawakan ang kamay nila at tinitigan ni Jade si Lance sa mata. Yun ang hindi makakalimutan ni Jade.
Kinabukasan, hinahanap ni Jade si Lance sa unibersidad nila. Naglalakad siya kasama si John (ang bestfriend niya) at nagpatulong hanapin si Lance. Habang naglalakad sila, nagtatanong si John.
"Jade, sino ba yung hinahap mong lalaki?"
"Di ko alam pangalan niya pero hanapin nalang natin."
"Bakit ba?"
"Basta. Tulungan mo nalang ako na hanapin siya."
Makalipas ang 10 minuto na paghahanap nila ay nakita rin nila si Lance. Pinabayaan ni John na lumapit si Jade kay Lance na mag-isa. Konti-konting naglalakad si Jade papunta kay Lance. Nang makalapit siya, umupo siya malapit kay Lance.
"Hello." pahiyang sinabi ni Jade
"Miss, ako ba kinakausap mo?"
"Hindi man. Meron pa bang ibang tao dito? Hahaha! Joke lang. Oo, ikaw."
"Ano kailangan mo miss? Parang pamilyar ka ha."
"Talagang pamilyar dahil nagkita na tayo dati, binunggo mo pa nga ako eh."
"Ahh, oo nga pala. Ikaw pala yung nabunggo ko. Sorry ha, hindi ko naman sinasadya. Hindi kasi kita nakita."
"Okay lang yun. Uhh, ano pala pangalan mo?" kinikilig si Jade
"Ako si Lance, ikaw?"
"Ako si Jade, nice meeting you!"
"Nice meeting you too. Anong year ka na ba dito sa school?"
"2nd year na ako, taking Pharmacy."
"Magkamukha pala tayong course! 1st year ako dito."
"Meant to be ata to" pabulong na sinasabi ni Jade habang kinikilig
"Ano sabi mo?"
"Wala, wala yun. Sige kailangan ko na pala umalis. Marami pa akong gagawin. Bye!" nagmadaling umalis si Jade at halatang kinikilig
"Sige bye!"
"Tara John, alis na tayo"
Nang umalis na sila Jade at John, gustong puntahan ni Lance si Jade at kunin ang kanyang number pero nahihiya siya dahil may kasama nang iba si Jade. At sinabi ni Lance, "Sayang! Maganda pa naman, maganda pa ang ugali. Kukunin ko nalang number niya kapag nagkita kami ulit. Better luck next time!" Umalis na si Lance.
Habang naglalakad sila Jade at John, kilig na kilig si Jade. Palo siya ng palo kay John, kwento siya ng kwento tungkol kay Lance kung papaano sila nag-usap, ano pinag-usapan nila at si John naman ay tahimik lang, at nagseselos dahil halata namang may crush si Jade kay Lance. At nang maghiwalay na sila, hindi matanggap ni John na may ibang nagugustuhan si Jade dahil nagpromise si Jade na kapag naggraduate sila, papayagan na niya si John na manligaw sakanya. Nang dahil sa nangyaring ito, nawawalan na ng pag-asa si John na makatuluyan si Jade.
ang cute! haha :)) parang wattpad lang! ^_______^
ReplyDeleteThank you! Sana subaybayan mo pa. Ikaw yung first comment. That means so much to me. :)
DeleteGanda Yay!
ReplyDeleteThanks! :)
DeleteHAHAHAAH, Ganda Ng Story!
ReplyDeleteThank you! May susunod pa. :)
Delete