Chapter 1 : Ang Buhay ni Juan Tanga
Walang kapatid si Juan Tamad kaya sakanyang-sakanya ang atensyon ng kanyang magulang at lahat ng gusto niya ay naibibigay nila. Simula nung bata si Juan ay spoiled na siya. Meron siyang 3 yaya at may 5 tutor (para sa Math, History, English, Filipino, Science). Meron rin siyang 2 bodyguard at 1 personal assistant (O diba, susyal). Dahil sa dinami-dami ng mga tumutulong at nagseserve kay Juan, pinapagawa na niya lahat sakanila at doon na nagsimula ang kanyang pagka-spoiled. May nagpapaligo sakanya, may nagpapakain, may gumagawa ng homework niya (sana may gagawa rin ng homework ko), at may nagpapatulog pa (susyal talaga!). Kahit nga sa classroom, katabi niya pa ang mga chuchaching niya (sikip siguro ng classroom).
Sa dinami-dami ng mga chuchaching ni Juan na tumutulong sakanya, di na siya natuto maligo mag-isa, kumain mag-isa, at gumawa ng homework. Sa sobrang pagka-spoiled niya ay naging tamad siya at dinala niya ito sa kanyang paglaki.
IPAGPAPATULOY..
Chapter 2 : Ang Haunted House nina Juan (Panakot)
Bata palang si Juan ay tamad na siya dahil ginawa siyang "spoiled brat" ng kanyang magulang. May 3 yaya, 5 tutor, 2 bodyguard, at 1 personal assistant. Nagawa nila yun kay Juan dahil siya lamang kaisa-isa nilang anak at naibibigay ng magulang niya ang lahat ng gusto niya.
Isang araw, binigyan ng day-off ang mga chuchaching ni Juan kaya si Juan lang ang nasa bahay. Iniwan siya ng kanyang magulang na mag-isa sa bahay. Pinangluto na siya ng pagkain para sa buong araw at nakaayos na lahat ng kakailanganin niya. Nakakulong lang si Juan sa kanyang kwarto at naglalaro ng DOTA (umaga palang). Habang naglalaro siya ng DOTA, may narinig siyang kabog sa ibaba. Sa sobrang takot niya, huminto siya maglaro at natulog. Paggising niya (hapon na), may naririnig siyang kumakatok sa kanyang pintuan. Hindi ito tumigil ng 5 minuto. Hindi pa kumakain si Juan at gutom na gutom na siya. Gusto niya lumabas pero natatakot siya na baka nandun pa ang kumakatok. Konti-konti lumabas siya ng kwarto, at tumakbo papunta sa staircase. Ayun, sa sobrang takot niya natapilok siya at gumulong-gulong sa staircase. Nagkabukol, nagkasugat, at nagkapasa (kawawa naman si Juan). Gumapang siya papuntang kusina at kumuha ng pagkain. Habang kumakain siya sa dining room, may narinig siyang nagsasalita. Eto daw ang sinasabi, "Juan Tamad, Tamad, Tamad..." hindi tumigil hangga't di siya natapos kumain. Sa sobrang takot nanaman niya, natulog nalang siya sa table ng dining room (masakit kasi katawan niya diba?).
Nagising nanaman siya (gabi na) na nasa sofa naman. Sabi niya, "Hala! Pano ako nakapunta dito. OMAYGAS!" Natakot siya ng sobra-sobra kaya gumapang siya papunta sa 2nd floor ng kanilang bahay (masakit parin ang katawan niya). Sa sobrang kaba niya, nagslide siya sa stairs. Ayun, mas sumakit pa ang katawan niya (tanga naman ni Juan). Umakyat siya ulit (success!), at pumunta sa kwarto niya. Tinawagan niya ang magulang niya na umuwi na sila pero bawal pa daw at ang mga chuchaching niya, bukas pa darating. Nakatulog si Juan sa sobrang takot at kaba.
Nagising si Juan ng madaling araw at tumingin siya sa window niya, wala paring tao. Tapos tinignan niya ng mabuti, may lumilipad na naka white (Hala! White lady). Nagmadali siyang pumunta sa kama niya sa sobrang takot at pagkahiga niya, nakita niyang nakatayo sa tabi niya ang white lady at nakatingin ng masama sa kanya. Di nalang niya pinansin at natulog. Kinabukasan, dumating na rin ang mga chuchaching at magulang niya. Sinabi ni Juan na haunted daw ang bahay nila at natatakot na siya dito. Kaya naisipan nilang lumipat ng bahay (sayang naman! Ang ganda ng bahay eh). Makalipas ang 1 buwan, nakalipat na sila sa mas maliit na bahay sa Quezon City (yung lote na binili ng tatay niya 10 years ago for reservation). At wala na daw multo doon. Safe and sound na sila doon (Taylor Swift?) at doon na sila namahay ng permanente.
IPAGPAPATULOY...
No comments:
Post a Comment