Be Inspired

Para sa mga niloko


Masakit malaman na niloko ka ng isang taong mahal na mahal mo. Madedepressed ka, masestress, at magiging broken hearted. Ayaw natin mapunta sa sitwasyong ito pero hindi naman natin maiiwasan. Kasama na ito ng buhay at kasama na rin ito sa pag-ibig. Tandaan ang "Love is bitter-sweet". Hindi ito laging masaya, minsan rin ay malulungkot ka nalang sa mangyayari.


Sa mga niloko diyan, maging malakas kayo, lumaban kayo. Wag kayo magpakahina dahil lamang sa isang tao. Kung niloko kayo, edi niloko kayo. Ano pa ba magagawa niyo? Wala diba? Pabayaan niyo nalang at mag MOVE ON. Isang tao lang yan, marami pang nagmamahal sayo. Wag kang mag-alala, baka meron ring isang taong malungkot dahil wala ka sa piling niya. Baka may ibang mas deserving sa pagmamahal mo. 


Kung niloko ka niya, tapos hahabul-habulin mo pa, eh mas masasaktan ka. Magmumukha kang tanga. Ikaw na nga tong niloko, ikaw pang lalapit? Eh, iba naman yung pananaw natin sa buhay. Yung iba kala nila babalik pa pero lolokohin rin pala ulit. Yung iba hahabul-habulin pa pero di naman pala babalik. Yung iba nagpapaasa lang. Yung iba ginagamit lang ang ibang tao para makapag move on. Maraming paraan para hindi masaktan at makapag move on. MOVE ON ang salitang yan. Try mo, hindi nakakamatay.






No comments:

Post a Comment