Wednesday, August 1, 2012

Panahon ng Tag-ulan - Paghandaan



Alam natin na panahon na ng tag-ulan kapag Hunyo na. Alam rin natin na malalakas na bagyo ang darating kaya naghahanda na tayo para dito.


Eto ang mga dapat gawin o kailangan dalin para maging ligtas tayo sa malalakas na bagyo o baha : 
  • Pag-aralan kung paano mapapatay ang kuryente sakaling bumaha sa bahay.
  • Mag-imbak ng tubig at pagkain na tatagal ng 3 araw o mas hihigit pa
  • Ihanda ang mga kakailanganing gamit sakaling lumikas sa bahay patungo sa evacuation center.
  • Sakaling mag-brownout, gumamit ng transistor o de-bateryang radyo at flashlight.
  • Manatiling makinig at manood ng mga balita sakaling may bagyong paparating.
  • Maghanda ng first aid kit sakaling may masamang nangyari sa isa sa mga kasama sa pamilya o kaibigan ay agad malulunasan.
  • Maglaan ng pera upang may panustos.
  • Panatilihing naka-charge at may load ang cellphone upang magamit sakaling may kokontakin upang hingin ng tulong.
  • Ayusin na ang mga butas sa bubong at mga crack sa bahay.
  • Alisin ang mga nakabarang bagay tulad ng tuyong dahon o sanga sa alulod/gutter ng bahay.
  • Magtambak ng mga buhangin sa mga mabababang bahagi ng paligid ng bahay.
  • Sakaling may ikalawa o higit pang palapag ang bahay, iakyat na ang mga bagay na nasa ground floor upang hindi mabasa ng baha ang mga kagamitan.
  • Linisin ang mga baradong kanal upang maiwasan ang pagbabaha.
  • Ayusin at itago na ang mga mahahalagang dokumento sa waterproof box o lalagyanang hindi agad napapasukan ng tubig.
 

Sundin lamang ang mga tips na ibinigay ko upang mapanatiling ligtas ang ating sarili pati na rin ang mga mahal natin sa buhay. Iba na ang parating handa kaya paghandaan natin ang panahon ng tag-ulan.


"ALWAYS BE SAFE, ALWAYS BE PREPARED"

2 comments:

  1. Magaling na tips. Very useful ito sa mga students na kagaya mo. Thanks for sharing.

    ReplyDelete