A YOUNG BLOGGER
Ako si Raphael Talao, at ako ay isang bagong blogger. Gumawa ako ng blog para ma-express at ma-share ko sainyo ang mga saloobin ko. Ginawa ko rin itong blog para gumaling ako sa pagsulat ng sanaysay.
Sa higpit ng schedule ko, bibigyan ko pa rin ng oras ang paggawa ng blog dahil para sakin, pampaalis ito ng stress. Marami akong ginagawa, nag-aaral, gumagawa ng mga assignments, at tulad niyo ring mga kabataan, nagsisikap ako para gumanda ang kinabukasan ko. Ginagalingan ko naman sa school para mabayaran ko ang mga magulang ko sa hirap at pagod na pinagdadaanan nila.
Ang mga posts ko dito sa blog ko ay paniguradong makakarelate kayo dahil kamukha niyo, isa rin akong kabataan. Marami akong pinagdadaanan sa buhay. Hirap, pagod, at marami pang iba.
Sana susubaybayan niyo ang blog ko. Patikim palang ito at marami pang darating!
No comments:
Post a Comment