Saturday, July 28, 2012

High School Life

Pinakamasaya raw ang High School sa buong buhay ng isang estudyante. 

Ako ngayon ay isang 2nd Year High School student. Oo, masaya ang High School pero mahirap at stress rin. Maraming pinapagawa, maraming iniisip, at dito na rin tayo nagmamature. 

Kapag daw high school ka na, doon mo malalaman at makikita ang mga totoo mong kaibigan. Ako naman, nung 1st year ako, kala ko yung isa kong kaibigan di siya magbabago. Pero as time pass by, nagbabago siya ng pakonti-konti. Nag-iba ugali niya, biglang pumangit ugali niya, at halos lahat kaming magkakaibigan inaayawan na siya. Di ko alam kung anong nangyari bakit siya nag-iba. May ginawa ba kami? O talagang ganyan lang talaga siya? Kailangan lang siguro nating intindihin ang mga tao kapag high school dahil dito na nagmamature ang mga ugali natin. Dito na natin makikilala ng mabuti ang mga sarili natin at pati na rin ang mga taong sasamahan tayo sa buong buhay natin.

Ang High School rin daw ang pinakamalungkot na parte ng buhay ng isang estudyante, lalo na daw kapag 4th year na. Kasi kapag 4th year na tayo, alam na natin na maghihiwalay tayong mga magkakaibigan pagdating ng kolehiyo. Pero wag kayong mag-alala, magkakaroon rin kayo ng mga bagong kaibigan pagdating niyo sa kolehiyo.

Ang unang pagtungtong natin sa High School ay nakakapanibago. Ibang-iba siya sa elementary. Mas mahirap ang pinag-aaralan, at mas marami ang pinapagawa. Lalo na kapag 1st year ka, malaking adjustment ang gagawin mo para di ka mahirapan. Ako, nung mag-fifirst year na ako, nagtransfer ako sa ibang school. Ibang-iba ang curriculum ng school ko sa school kung saan ako nagtransfer kaya hirap na hirap ako. Hindi ako makasunod sa lessons, at pag-uwi ng bahay, di ko rin maintindihan ang mga binibigay na homework. Pero habang tumatagal ako sa paaralan na yun, nasanay na rin ako sa curriculum nila. Nakasabay na ako sa mga lessons, at di na masyado hassle ang paggawa ng homework at projects. Sa totoo nga, chill nalang nga para sakin nung nasanay ako eh.

Mabilis lang ang High School Life, sulitin niyo na. 4 years lang yan, at sa 4 years na yun, maraming tao at kaibigan ang makikilala mo. Yung iba magiging ka-close mo, yung iba naman parang wala lang. Minsan rin may makakaaway ka, di mo naman mapipigilan yun. Siyempre may misunderstandings rin sa loob ng klase at sa buong campus. Basta, enjoy your High School Life, minsan lang yan at bawal i-rewind. At, wag niyong madaliin ang buhay niyo. Tandaan niyo, you only live once. Lahat ng ginagawa mo, sulitin mo na. Hindi mo alam, baka bukas may tanan na ang buhay mo. 

"ALWAYS LIVE YOUR EVERYDAY LIFE TO THE FULLEST!"

No comments:

Post a Comment