Sunday, August 5, 2012

How To Win A Girl's Heart?

First, a girl's heart is very fragile. It gets hurt everytime you tell, or do something wrong. You should be that kind of man who will treat her right, who will treat her like a princess, and who will treat her like she is the only girl in the world.

A girl's dream is to find her prince charming, the perfect one. Let's admit it, all girls are choosy. But they don't need to have the perfect guy. They need to have a simple guy that will rock and make her life perfect. They need a man who will always be there for them, a man who will always give their all to that girl, a man that will always have a time for his girl, a man that will always give his 100% to his girl, and a man that will always be their crying shoulder.

You should be a man that will always comfort her whenever she is depressed, you should be a man that will always make her happy whenever she is sad, and you should be a man who will love her for the rest of your life.

"BE A MAN FOR A GIRL"


Wednesday, August 1, 2012

Panahon ng Tag-ulan - Paghandaan



Alam natin na panahon na ng tag-ulan kapag Hunyo na. Alam rin natin na malalakas na bagyo ang darating kaya naghahanda na tayo para dito.


Eto ang mga dapat gawin o kailangan dalin para maging ligtas tayo sa malalakas na bagyo o baha : 
  • Pag-aralan kung paano mapapatay ang kuryente sakaling bumaha sa bahay.
  • Mag-imbak ng tubig at pagkain na tatagal ng 3 araw o mas hihigit pa
  • Ihanda ang mga kakailanganing gamit sakaling lumikas sa bahay patungo sa evacuation center.
  • Sakaling mag-brownout, gumamit ng transistor o de-bateryang radyo at flashlight.
  • Manatiling makinig at manood ng mga balita sakaling may bagyong paparating.
  • Maghanda ng first aid kit sakaling may masamang nangyari sa isa sa mga kasama sa pamilya o kaibigan ay agad malulunasan.
  • Maglaan ng pera upang may panustos.
  • Panatilihing naka-charge at may load ang cellphone upang magamit sakaling may kokontakin upang hingin ng tulong.
  • Ayusin na ang mga butas sa bubong at mga crack sa bahay.
  • Alisin ang mga nakabarang bagay tulad ng tuyong dahon o sanga sa alulod/gutter ng bahay.
  • Magtambak ng mga buhangin sa mga mabababang bahagi ng paligid ng bahay.
  • Sakaling may ikalawa o higit pang palapag ang bahay, iakyat na ang mga bagay na nasa ground floor upang hindi mabasa ng baha ang mga kagamitan.
  • Linisin ang mga baradong kanal upang maiwasan ang pagbabaha.
  • Ayusin at itago na ang mga mahahalagang dokumento sa waterproof box o lalagyanang hindi agad napapasukan ng tubig.
 

Sundin lamang ang mga tips na ibinigay ko upang mapanatiling ligtas ang ating sarili pati na rin ang mga mahal natin sa buhay. Iba na ang parating handa kaya paghandaan natin ang panahon ng tag-ulan.


"ALWAYS BE SAFE, ALWAYS BE PREPARED"

Sunday, July 29, 2012

Cigarette Smoking

  





Cigarette Smoking is bad for your health


Alam kong ayaw niyo nakakasingot ng usok na galing sa sigarilyo dahil mabaho, at nakakahilo ito. Kapag nakakakita tayo ng naninigarilyo parang gusto mo sabihin, "Kuya, pwede po bang sa ibang lugar nalang kayo magsigarilyo?" Pero siyempre, di mo naman sila kilala at mahihiya kang sabihin yun. Ikaw nalang ang lumayo o kaya wag mo nalang pansinin.

Ang Cigarette Smoking ay masama para sa iyong katawan. Eto ang isa sa mga pinagmumulan ng mga malalang sakit na pwede ikamatay ng tao. 

Alam niyo ba na ang tawag sa ating mga nakakasingot ng usok na galing sa sigarilyo ay SECOND HAND SMOKERS? Ang mga second hand smokers ay mas nakakasingot ng usok galing sa sigarilyo kaysa sa mga naninigarilyo kaya mas prone tayo na magkaroon ng mga sakit kapag lagi tayong nakakasingot ng usok na galing sa sigarilyo. Oo, di natin maiiwasan ang pagsingot ng mga usok dahil kasama na ito sa hangin na pumapalibot sa atin. Pero meron tayong isang magagawa para mabawasan ang tinatawag na AIR POLLUTION. Pwede nating tigilan ang paninigarilyo o maglagay ng smoking area sa bawat barangay o probinsya para hindi kumalat ang usok na nanggagaling sa sigarilyo. 

Be first to stop cigarette smoking. Masama yan sa katawan mo, at kailangan mong tigilan. Kung hindi ka naninigarilyo, wag mo nang gawin. Baka ang pagtigil mo sa paninigarilyo o ang hindi mo paninigarilyo ang magligtas pa ng buhay mo at pahabain pa ito. At ang mga minor age, wag niyo muna i-try. Just enjoy your life. Mahaba pa yan!



Saturday, July 28, 2012

High School Life

Pinakamasaya raw ang High School sa buong buhay ng isang estudyante. 

Ako ngayon ay isang 2nd Year High School student. Oo, masaya ang High School pero mahirap at stress rin. Maraming pinapagawa, maraming iniisip, at dito na rin tayo nagmamature. 

Kapag daw high school ka na, doon mo malalaman at makikita ang mga totoo mong kaibigan. Ako naman, nung 1st year ako, kala ko yung isa kong kaibigan di siya magbabago. Pero as time pass by, nagbabago siya ng pakonti-konti. Nag-iba ugali niya, biglang pumangit ugali niya, at halos lahat kaming magkakaibigan inaayawan na siya. Di ko alam kung anong nangyari bakit siya nag-iba. May ginawa ba kami? O talagang ganyan lang talaga siya? Kailangan lang siguro nating intindihin ang mga tao kapag high school dahil dito na nagmamature ang mga ugali natin. Dito na natin makikilala ng mabuti ang mga sarili natin at pati na rin ang mga taong sasamahan tayo sa buong buhay natin.

Ang High School rin daw ang pinakamalungkot na parte ng buhay ng isang estudyante, lalo na daw kapag 4th year na. Kasi kapag 4th year na tayo, alam na natin na maghihiwalay tayong mga magkakaibigan pagdating ng kolehiyo. Pero wag kayong mag-alala, magkakaroon rin kayo ng mga bagong kaibigan pagdating niyo sa kolehiyo.

Ang unang pagtungtong natin sa High School ay nakakapanibago. Ibang-iba siya sa elementary. Mas mahirap ang pinag-aaralan, at mas marami ang pinapagawa. Lalo na kapag 1st year ka, malaking adjustment ang gagawin mo para di ka mahirapan. Ako, nung mag-fifirst year na ako, nagtransfer ako sa ibang school. Ibang-iba ang curriculum ng school ko sa school kung saan ako nagtransfer kaya hirap na hirap ako. Hindi ako makasunod sa lessons, at pag-uwi ng bahay, di ko rin maintindihan ang mga binibigay na homework. Pero habang tumatagal ako sa paaralan na yun, nasanay na rin ako sa curriculum nila. Nakasabay na ako sa mga lessons, at di na masyado hassle ang paggawa ng homework at projects. Sa totoo nga, chill nalang nga para sakin nung nasanay ako eh.

Mabilis lang ang High School Life, sulitin niyo na. 4 years lang yan, at sa 4 years na yun, maraming tao at kaibigan ang makikilala mo. Yung iba magiging ka-close mo, yung iba naman parang wala lang. Minsan rin may makakaaway ka, di mo naman mapipigilan yun. Siyempre may misunderstandings rin sa loob ng klase at sa buong campus. Basta, enjoy your High School Life, minsan lang yan at bawal i-rewind. At, wag niyong madaliin ang buhay niyo. Tandaan niyo, you only live once. Lahat ng ginagawa mo, sulitin mo na. Hindi mo alam, baka bukas may tanan na ang buhay mo. 

"ALWAYS LIVE YOUR EVERYDAY LIFE TO THE FULLEST!"

A New Blogger Comes

A YOUNG BLOGGER

Ako si Raphael Talao, at ako ay isang bagong blogger. Gumawa ako ng blog para ma-express at ma-share ko sainyo ang mga saloobin ko. Ginawa ko rin itong blog para gumaling ako sa pagsulat ng sanaysay.

Sa higpit ng schedule ko, bibigyan ko pa rin ng oras ang paggawa ng blog dahil para sakin, pampaalis ito ng stress. Marami akong ginagawa, nag-aaral, gumagawa ng mga assignments, at tulad niyo ring mga kabataan, nagsisikap ako para gumanda ang kinabukasan ko. Ginagalingan ko naman sa school para mabayaran ko ang mga magulang ko sa hirap at pagod na pinagdadaanan nila. 

Ang mga posts ko dito sa blog ko ay paniguradong makakarelate kayo dahil kamukha niyo, isa rin akong kabataan. Marami akong pinagdadaanan sa buhay. Hirap, pagod, at marami pang iba. 

Sana susubaybayan niyo ang blog ko. Patikim palang ito at marami pang darating!